NAAYOS na ng estate ni J.R.R. Tolkien ang $80 million lawsuit laban sa Warner Bros. hinggil sa licensing ng online games, slot machines at iba pang gambling-related merchandise na ibinatay sa mga libro ng awtor ng The Hobbit at The Lord of the Rings.

Ang settlement ng Tolkien estate at ng book publisher na HarperCollins sa Time Warner Inc. unit, New Line Cinema at Saul Zaentz Co, na may hawak ng iba’t ibang marketing rights, ay ipinahayag sa mga papeles na inihain sa korte nitong Biyernes sa Los Angeles.

Naresolba rin nito ang counterclaims ng Warner Bros. at Zaentz. Hindi isiniwalat ang mga napagkasunduan.

“The parties are pleased that they have amicably resolved this matter and look forward to working together in the future,” sabi ni Warner Bros. spokesman Paul McGuire sa isang pahayag nitong Lunes.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Halos ganito rin ang pahayag ni Bonnie Eskenazi, abogado ng Tolkien estate at HarperCollins, na isang unit ng News Corp.

Inakusahan ng Tolkien estate ang mga defendant ng paglabag sa kasunduan noong 1969 na nagpapahintulot ng pagbebenta ng “tangible” merchandise, na iniugnay sa libro sa “morally-questionable (and decidedly non-literary) world of online and casino gambling.”

Nakasaad dito na ikinagalit ng “devoted fan base” ni Tolkien ang pagsira sa legacy ng English author, na pumanaw noong 1973 sa edad na 81.

Inihain ang copyright lawsuit noong Nobyembre 2012.

Ang kabuuang kinita sa buong mundo ng bawat big-screen trilogies ng The Lord of the Rings, na inilabas mula 2001 hanggang 2003, at sa The Hobbit, na inilabas mula 2012 hanggang 2014 ay lumampas ng $2.9 billion, ayon sa Box Office Mojo.