Ni: Fer Taboy

Iniharap kahapon ng pulisya sa media ang 14 na hinihinalang pusher makaraang makasamsam sa mga ito ng mahigit na P3.4 milyon halaga ng umano’y shabu sa Barangay Tuburan, Ligao City, Albay.

Ayon kay Chief Insp. Arthur Gomez, tagapagsalita ng Albay Police Provincial Office (APPO), bigo namang maaresto ang dalawang pangunahing suspek na sina Cepfriano Tolarba Narciso at Marvin Marmol, sa operasyon ng Ligao City Police Office (LCPO), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at APPO-Provincial Intelligence Branch.

Kinilala ang 13 sa 14 na nadakip na sina Elmer Ramirez, Gina Salanga, Jaime Marilag, Renato Rabacal, Jake Mella, Elias Samson, Dennis Sarte, Jorge Sabillena, Michael Joseph Tibayan, Arvy Rayela, Nolan Moises, Paul Art Palima at Ruben Merjudio.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente