Ni VANNE ELAINE P. TERRAZOLA

Mahigit P4 milyon ang natangay ng umano’y “Akyat-Bahay” sa isang negosyante sa Quezon City kamakalawa.

Ayon sa awtoridad, naganap ang pagnanakaw sa bahay ni Samuel Dangwa, 80, sa Barangay South Triangle.

Base sa imbestigasyon, ipinagkatiwala ng biktima ang kanyang bahay sa kanyang kasambahay, na kinilalang si Michelle Hitaas, habang si Dangwa at kanyang pamilya ay nasa bahay nila sa Baguio City.

National

Ilang aktibidad bago ang Nazareno 2025

Sa salaysay ni Hitaas, bandang 8:00 ng umaga nitong Linggo, napansin niyang sapilitang binuksan ang isa sa mga kuwarto.

Pinuntahan niya ang kuwarto ni Dangwa at nadiskubreng pinasok din ito. Nakita rin umano niya na wala nang laman ang vault ng kanyang amo na nakalagay sa loob ng banyo.

Ayon kay Dangwa, aabot sa P3.7 milyon cash ang nasa loob ng vault at $12,000 bills (katumbas ng P602,700).

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.