Pakistani rescue workers examine the site of an oil tanker explosion at a highway near Bahawalpur, Pakistan, Sunday, June 25, 2017. An overturned oil tanker burst into flames in Pakistan on Sunday, killing more than one hundred people who had rushed to the scene of the highway accident to gather leaking fuel, an official said. (AP Photo/Iram Asim)

MULTAN, Pakistan (AP) — Mahigit 140 katao ang namatay matapos tumaob at sumabog ang isang oil tanker kahapon.

Nilamon ng apoy mula sa oil spill ang maraming residente na tumakbo para salupin ang tumatagas na langis mula sa tumaob na tanker.

Ayon kay Dr. Rizwan Naseer, director ng Punjab provincial rescue services, 148 na ang namatay, at inaasahang tataas pa ang bilang na ito. May 100 katao pa ang malubhang nasugatan

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Nangyari ang aksidente sa national highway halos 100 kilometro ang layo mula sa timog kanluran ng Multan. Nanggaling ang tanker sa southern port city ng Karachi at patungong Lahore, ang kabisera ng probinsiya ng Punjab, nang mawalan ng kontrol ang driver at tumaob ang sasakyan.