Ni: Marivic Awitan

Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

7 m.g. -- San Miguel Beer vs Talk N Text

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

ISA na namang umaatikabo at dikdikang laban ang inaasahang matutunghayan sa muling pagtutuos ng San Miguel Beer at Talk ‘N Text sa Game 2 ng kanilang best-of-7 finals series ngayon sa 2017 OPPO-PBA Commissioners Cup sa Araneta Coliseum.

JUNE_MAR copy copy

Tatangkain ng KaTropa na makamit ang 2-0 bentahe sa serye kasunod ng 104-102 panalo nila noong Game 1 nitong Miyerkules sa Big Dome kung saan isinalba ang Katropa nang import na si Joshua Smith.

Sa kabila ng iniindang injury sa paa, nagawang maisalpak ni Smith ang semi-hook shot sa nalalabing 1.6 segundo para maitakas ang Katropa at makuha ang inaasam na momentum sa serye.

Para sa Beermen, si Smith ang isa sa mga dapat nilang paghandaan para sa tangka nilang itabla ang serye.

Bagama’t aminadong hirap siyang bantayan ang 330 pounds at 6-foot-10 na si Smith, hindi naman basta na lamang susuko ang league reigning MVP na si Junemar Fajardo.

"Sobrang laki niya, mabigat talaga,.Magaling din yung hook shot niya eh!. So kailangan talaga mag-adjust kung pano siya i-stop," pahayag ni Fajardo.

"Siguro i-double team namin siya. Siguro magpo-provide ng help pero tignan natin ano gusto ni coach (Leo Austria)," aniya.

Sa kampo naman ng KaTropa, nais naman ni coach Nash Racela na mapaigting pa ang kanilang depensa sa kabuuan ng laro matapos ang nangyari noong Game 1 kung saan nabura ng Beermen ang kanilang siyam na puntos na kalamangan, (98-89), sa huling 4:30 sa laban.

Kinakailangan aniya na hindi sila maging pabaya at magkampante.

Naniniwala naman si San Miguel Beer coach Leo Austria na breaks of the game ang kanilang ikinatalo.

Kaya naman optimistiko pa rin ito sa kanilang tsansa patungo sa Game 2 .