DINAIG ng Diliman College Blue Dragons, sa pangunguna ng six-foot Senegalese na si Adama Diakhite na kumana ng 31 puntos at 18 rebound, ang Centro Escolar Scorpions, 75-63, para makopo ang kampeonato sa men’s basketball ng 23rd Fr. Martin Cup Summer Basketball tournament nitong weekend sa MVP gymnasium ng San Beda Manila campus sa Mendiola.

diliman copy

Nag-ambag sina Rickson Gerero at Kristoffer Torrado sa Blue Dragons sa naiskor na 21 aat 17 puntos, ayon sa pagkakasunod na torneo na itinataguyod ng Armor On Sportswear.

“It’s about how we stop them from scoring. Pumuputok iyung tatlo (Orlan) Wamar, (John Carlo) Casino and (Paul) Galinato),” sambit ni Blue Dragons coach Rensy Bajar.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Nalimitahan din ng depensa ng Blue Dragosn ang mga pambato ng Scorpions para mailayo ang bentahe tungo sa panalo.

Nanguna sa Scorpions si Orlan Wamar sa nakubrang 14 puntos. Umusad sa championship round ang CEU nang paluhurin ang Emilio Aguinaldo College Generals, 83-77.

Naunang umusad sa Finals ang Blue Dragons nang pabagsakin ang Letran Knights, 91-85.

Ito ang ikalawang collegiate title ng Blue Dragons ngayong season matapos pagwagihan ang Universities and Colleges Basketball League (UCBL) Summer Invitational sa nakalipas na buwan.