Hindi magiging bagyo ang namataang low pressure area (LPA) sa Palawan.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administrarion (PAGASA), magdadala lamang ng mga pag-ulan ang LPA dahil sa malawak na ulap na dala nito.
Sinabi ni Samuel Duran, weather specialist ng PAGASA, na huling namataan ang sentro ng LPA sa layong 105 kilometro sa hilagang-kanluran ng Coron, at posibleng magdulot ng mahihinang pag-ulan hanggang ngayong linggo.
Nilinaw naman ng PAGASA na magiging maganda na ang panahon bukas, Hunyo 12, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan. (Rommel P. Tabbad)