SUAL, Pangasinan – Isa pang Pangasinense ang nasawi matapos tamaan ng kidlat habang sakay sa bangka nitong Martes ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Rolando Plaza, 23, na sakay sa bangka at nag-aayos ng net sa fish cage, bandang 2:55 ng hapon, nang tamaan ng kidlat.

Mayo 28 nang nasawi rin si Elvis Ochoco, 30, makaraang tamaan ng kidlat habang nasa palayan sa Bgy. Laguit-Centro sa bayan ng Bugallon. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol