Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng “Peace Corridor” upang mapabilis ang mga rescue at humanitarian operation para sa mga sibilyan na nananatili sa lugar ng labanan sa Marawi City, Lanao del Sur.

Ito ay makaraang makipagpulong ang Pangulo kay Moro Islamic Liberation Front (MILF) Chairman Al Haj Murad Ebrahim at sa iba pang opisyal ng MILF, kabilang sina Implementing Panel Chairman Mohair Iqbal, Bangsamoro Transition Commission Chairman Ghazali Jaafar, Bangsamoro Islamic Armed Forces Chief of Staff Sammy Al-Mansoor, at Bangsamoro Supreme Court Chief Khalifa Nando, sa Davao City nitong Lunes.

Sa Mindanao Hour press briefing sa Malacañang kahapon ng umaga, sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na ang Peace Corridor ay pangangasiwaan ng mga implementing panel ng gobyerno at ng MILF.

“The establishment of a ‘peace corridor’ was agreed following the meeting with President Rodrigo Duterte, members of the Joint Implementing Panels, and top officials of the MILF on Monday here,” sabi ni Abella. “During the meeting, the MILF vowed to cooperate with government in securing the areas where these peace corridors will be established.”

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Ayon kay Irene Santiago, chairperson ng implementing panel ng pamahalaan, ang Peace Corridor ay isang ligtas na lugar kung saan maaaring ilikas ng mga humanitarian group ang mga sugatan, nagugutom at na-rescue na sibilyan, o kuhanin ang mga bangkay ng mga kaanak para ilibing. (ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS)