SEOUL (AFP) – Pinamahalaan ni North Korean leader Kim Jong-Un ang pagsubok sa isang bagong anti-aircraft weapon system, sinabi ng state media kahapon, sa gitna ng umiigting na tensiyon kasunod ng mga serye ng missile test ng Pyongyang.

Sinabi ng Korean Central News Agency ng North na pinanood ni Kim ang pagsubok sa ‘’new-type anti-aircraft guided weapon system’’, na naglalayong ma-detect at matamaan ang “different targets flying from any direction’’.

Hindi nagbigay ang KCNA ng esksaktong petsa at lokasyon ng drill.

Ayon sa KCNA, natuwa si Kim sa bagong armas at sinabing: ‘’(It) should be mass-produced to deploy in all over the country like forests so as to completely spoil the enemy’s wild dream to command the air, boasting of air supremacy and weapon almighty.’’
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture