TOKYO (AFP) – Inaprubahan ng Japanese government kahapon ang panukalang batas na nagpapahintulot kay Emperor Akihito na bumaba sa Chrysanthemum Throne, ang magiging unang abdication sa loob ng dalawang dekada.
Ipadadala na ngayon ang panukala sa parliament para pagdebatehan at inaasahang mabilis na maisasapinal, sinabi ni Chief Cabinet Secretary Yoshihide Suga matapos pirmahan ng gabinete ni Prime Minister Shinzo Abe ang panukala.
Ipinahiwatig sa mga naunang ulat na nais nang bumaba sa trono ng 83-anyos na si Akihito sa pagtatapos ng Disyembre 2018 at papalitan siya ni Crown Prince Naruhito sa Enero 1, 2019. Nagulat ang Japan sa mga ulat ng pagnanais niyang magretiro nang unang lumutang ang balita noong Hulyo.