PHNOM PENH, Cambodia — Tinanong ang delegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa drug war at diumano’y extrajudicial killings (EJKs) sa bansa sa Dutertenomics presser sa World Economic Forum (WEF) kahapon.

Sinabi ng isang German journalist na ilang German businessmen ang nagdadalawang–isip pa rin na mamuhunan sa Pilipinas dahil sa war on drugs, mga pagpatay, at planong pagbalik ng parusang kamatayan.

Dumepensa si incoming Foreign Affairs secretary Senator Alan Peter Cayetano at sinabing ang mga Pilipino ay maka-Diyos at pinahahalagahan ang buhay.

“Protection of human rights is paramount. The campaign against illegal drugs is a campaign to protect human rights,” aniya.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Kasunod nito ay inimbitahan ni Cayetano ang mga miyembro ng foreign media na bumisita sa Pilipinas upang masaksihan nila mismo na ligtas sila sa bansa.

Sinabi ni Frederic Spohr, ang German journalist na nagtaas ng katanungan, na ikinalulugod niya ang imbitasyon ni Cayetano na pumunta sa Pilipinas, at umaasa siyang makapanayam ang mga tao sa gobyerno kaugnay sa giyera kontra droga. (Argyll Cyrus B. Geducos)