KATHMANDU, Nepal (AP) — Isang Swiss climber na hinahangaan sa mabilis niyang pag-akyat ang namatay nitong Linggo sa aksidente sa Mount Everest sa Nepal, sinabi ng expedition organizers at mga opisyal.
Namatay si Ueli Steck sa Camp 1 ng Mount Nuptse, sinabi ni Mingma Sherpa ng Seven Summit Treks. Dinala na ang bangkay ni Steck sa Lukla, kung saan matatagpuan ang nag-iisang paliparan sa Mount Everest.
Hindi pa malinaw ang eksaktong pangyayari sa kanyang pagkamatay.
Sinabi ng Nepalese mountaineering officials kahapon na aksidente ang pagkamatay ni Steck at hindi na kailangan ang anumang espesyal na imbestigasyon.
Sinabi ng Nepal Mountaineering Association na mag-isa lamang na umaakyat si Steck nang siya ay mamamatay dahil ang kasama niyang Sherpa ay nagkaroon ng frostbite.
Binabalak ni Steck na akyatin ang 8,850-metro (29,035-talampakan) na Mount Everest at ang kalapit na Mount Lhotse sa susunod na buwan.