IBINAHAGI ni Vanessa Hudgens ang sekreto sa kanyang pagpayat sa cover story sa kanya ng Women’s Health na ilalabas sa Mayo.

Nagdagdag ng 20 pounds si Hudgens para sa kanyang role bilang nagdadalantaong teenager sa Gimme Shelter noong 2013.

“I eat a whole avocado a day,” kuwento ni Hudgens. “I need high fats. If I’m not getting enough, my body holds on to calories. We’ve been trained to think that fats are bad, but they’re so good -- a source of energy and sustenance that keeps you going through the day. That’s the only way I can not eat carbs.”

Kabilang sa pang-araw-araw na kinakain ni Hudgens ang itlog at bacon sa almusal, salad na may dark meat chicken sa tanghalian, almonds sa meryenda, at grilled salmon o steak na may salad o sautee na gulay sa hapunan. Naglalaan din ng cheat day kada linggo si Vanessa.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Since I got back to eating like this the last month or so, I’ve lost 10 pounds,” saad ng aktres. “That’s a lot for my height.”

Bukod sa pagda-diet, mahilig ding mag-ehersisyo ang Powerless actress. Nang magpapayat siya pagkatapos ng Gimme Shelter, pumupunta siya sa SoulCycle class dalawang beses kada araw.

“Put me on a bike in a room with loud music, and I’m happy,” aniya. “It’s like dancing without the stress of worrying if you look good.”

“I’m really competitive when it comes to fitness,” pag-amin ni Hudgens. “I like being around people so I can compete.”

“I don’t like to wear T-shirts when I work out because it’s better motivation when I can see my body,” at idinagdag na mas gusto niyang magsuot ng sports bra. (ET Online)