CAMP NAKAR, Lucena City – Labindalawang bahay ang naabo sa magkahiwalay na sunog na dulot ng brownout sa Tayabas City at Pagbilao sa Quezon, nitong Lunes ng gabi.

Sa Sitio 5, Barangay Baguio sa Tayabas, naabo sa 40-minutong sunog ang bahay nina Fernando Ricamara, Aileen Suarez, Reynante Orig, Arthuro Suarez, Eusebio Macoy, Severina Suarez, Rebecca Limpat, Gerry Gordon, Elbert Limpat, Rafael Ricamara, at Lizel Limpat.

Nagsimula ang sunog ng 10:15 ng gabi at naapula bandang 10:55 ng gabi.

Dakong 10:26 ng gabi naman nang matupok ang bahay ni Daniel John Galang Atienza sa Bukal Subdivision sa Bgy. Bukal, Pagbilao.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Naapula bandang 11:29 ng gabi, sinasabing napabayaang kandila ang sanhi ng sunog dahil brownout noon sa dalawang nabanggit na bayan. (Danny J. Estacio)