Patay ang isang binata na pinaniniwalaang hinataw ng dos por dos sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot si Ramil Miranda, alyas “Bukol”, 36, ng Sampaguita Dulo Street, Barangay Tanza ng nasabing lungsod, sanhi ng malalim na sugat sa ulo.

Base sa ulat, bandang 4:30 ng madaling araw nadiskubre ang bangkay ni Miranda na nakahandusay sa Chungkang St., Bgy. Tanza.

Nakilala si Miranda matapos kilalanin ng kanyang ama, si Rolando, na ayon sa kanya ay nagpaalam ang biktima na makikipag-inuman sa mga kaibigan at hindi na umuwi magmula noon.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Iniwan ng suspek sa tabi ng bangkay ang isang 21 pulgadang dos por dos at baling kutsilyo.

Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng suspek at motibo sa pagpatay. (Orly L. Barcala)