Hindi nagdalawang-isip ang mga pulis na arestuhin ang kanilang kabaro na inireklamo ng kanyang kapitbahay sa Valenzuela City, nitong Linggo ng gabi.

Nahaharap sa kasong grave threats si PO2 Sherwin Sandy Benico, 34, nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP) 8 ng Malabon Police, at nakatira sa No. 61 De Regla Compound, San Francisco Street, Barangay Karuhatan, Valenzuela City.

Sa reklamo ni Socorro Iglesias, 46, bandang 8:20 ng gabi ay naalimpungatan siya dahil sa ingay sa labas ng kanilang bahay.

Lumabas si Iglesias para alamin kung sino ang nag-iingay at nakita niya si Benico at sinaway.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Nagalit umano ang pulis at sinabihan si Iglesias ng, “Anong problema mo? Papaalisin mo rin ba ako dahil maingay ako?

Eh, kung barilin kaya kita?”

Dahil sa takot ay humingi ng tulong si Iglesias sa Police Community Precinct (PCP) 9 ng Valenzuela Police na naging sanhi ng pagkakaaresto kay Benico. (Orly L. Barcala)