Inaalam na ng Pasay City Police kung sangkot sa serye ng pagpatay ang inarestong lalaki na itinuturong responsable sa pamamaril sa isang hindi pa nakikilalang babae, nitong Linggo ng gabi.

Kasalukuyang naghihimas ng rehas si Angelo Espinosa y Mariano, 20, ng Block 6, Lot 6, Kamagong Street, Barangay 145, Pasay City.

Samantala, ligtas na at patuloy na nagpapagaling sa Pasay City General Hospital ang biktima, nasa hustong gulang, na nagtamo ng ilang tama ng bala sa katawan.

Sa ulat na natanggap ni Southern Police District (SPD) director Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr., bandang 10:00 ng gabi makailang beses binaril ni Espinosa ang biktima sa Kamagong St., malapit sa Don Carlos Market, Bgy. 145, Pasay City.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Narinig ng ilang tambay ang mga putok ng baril at napansin ang pagtakbo ni Espinosa at agad ini-report sa Police Community Precinct (PCP) 6 na naging sanhi ng pagkakaaresto kay Espinosa.

Nakatakdang sampahan ang suspek ng kasong attempted murder sa Pasay City Prosecutor’s Office. (Bella Gamotea)