LONDON (AP) — Matapos ang 44 taon, naghain ang Britain ng diborsiyo mula sa European Union nitong Miyerkules, nagpaalam na may magagandang salita at pangakong mananatili ang pagkakaibigan sa pag-alis ng U.K. sa mga bisig ng samahan upang maging “global Britain.”

Inihudyat ni Prime Minister Theresa May ang dalawang taong proseso ng Brexit sa anim na pahinang liham kay EU Council President Donald Tusk, nangangakong pananatilihin ng Britain ang “deep and special partnership” sa mga katabing bansa sa bloc. Bilang tugon, sinabi ni Tusk sa Britain na: “We already miss you.” Ang paghudyat ni May sa Article 50 ng Lisbon Treaty ng EU ay magpapasimula sa dalawang taong negosasyon hanggang sa maging lubos ang pag-alis ng Britain sa unyon – sa hatinggabi ng Marso 29, 2019.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'