Patay ang limang katao habang siyam na iba pa ang nasugatan makaraang mag-overshoot at bumangga sa konkretong poste ng kuryente ang isang six-wheeler truck sa Barangay Katipunan, RT Lim sa Zamboanga Sibugay, kahapon.

Kaagad na nasawi si Cardo Cortez, 50, truck driver, residente ng Zamboanga City; at pasahero niyang si Paterno Endrina, 70, ng Zamboanga Sibugay.

Dead on arrival naman sa Ipil Provincial Hospital sina Wengilyn Casipong, 47; Reynan Beniares, 30; at Romelyn Cortez, 10 anyos.

Inilipat naman kaagad sa pagamutan ng Zamboanga City ang siyam na unang dinala sa Ipil Provincial Hospital na sina Enriqueta Cortez, 49; Roger Cortez, 32; Anthony Cortez, 12, taga-Bgy. Divisoria, Zamboanga City; Jason Suringa, 16; Jomaril Anduha, 17; Jordan Banga; Jaime Montecalbo, 19, pawang ng Olutanga, Zamboanga Sibugay; Laurencio Casipong, 51, ng Bgy. Surabay, RT Lim, Zamboanga Sibugay; at Fiona Casipong, 7, ng Zamboanga Sibugay.

Probinsya

Toy gun lang? Lady driver na nagpakita ng baril, nanakot lang daw ng namamalimos

Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya na patungong Bgy. Malubal sa RT Lim ang Isuzu six-wheeler drop side truck ngunit pagsapit sa isang kurbadang bahagi ng kalsada ay bigla itong nag-overshoot at nawalan ng kontrol sa manibela ang driver na nagresulta sa pagbangga nito sa sementadong electrical post ng Zamboaga del Sur Electric Cooperative.

Sinabi ng pulisya na nagpagulung-gulong pa ang sasakyan sa gilid ng kalsada. (Fer Taboy)