STO. TOMAS, Batangas – Sugatan ang isang babae nang saksakin umano nito ang sarili habang nakikipag-away sa kanyang kinakasama sa Sto. Tomas, Batangas.

Nilalapatan pa ng lunas sa CP Reyes Hospital si Maricris Laog, 34, ng Barangay San Pedro, sa naturang bayan.

Ayon sa report ni PO3 Monette Balahadia, dakong 7:00 ng gabi nitong Lunes nang magkaroon ng mainitang pagtatalo si Laog at ang live-in partner na si Rico Avanza.

Sa gitna ng kanilang pagtatalo, sinaksak umano ni Laog ang sariling tiyan gamit ang kutsilyo. (Lyka Manalo)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?