SAN MANUEL, Tarlac – Isang 30-anyos na lalaki ang iniulat na nakuhanan ng shabu makaraang arestuhin dahil sa pag-aamok habang armado ng jungle bolo sa Barangay Poblacion sa San Manuel, Tarlac.

Ayon kay PO3 Glenmore Prado, nanggulo at nahulihan umano ng droga si Herbert Guillermo, ng nasabing barangay.

Sinabi ng pulisya na nang magresponde ang mga opisyal ng barangay ay nakuha mula kay Guillermo ang isang jungle bolo at ang hindi pa matiyak na gramo ng shabu. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog