Sa pagsisimula ng anihan ngayong Marso, hinihikayat ng National Food Authority (NFA) ang mga magsasaka na sa kanila na magbenta ng palay.

Ayon kay NFA Administrator Jason Laureano Y. Aquino, pinabilis nila ang paraan ng pagbabayad sa mga inaning palay ng mga magsasaka at mas mataas ang presyong iniaalok ng ahensiya.

Iniulat ng mga field office ng NFA sa Aklan, Antique, Capiz, Iloilo at Negros Occidental sa Western Visayas; Camarines Norte at Sorsogon sa Bicol Region; Bohol at Negros Oriental sa Central Visayas; Occidental Mindoro, Palawan at Romblon sa MIMAROPA; Compostela Valley at Davao City sa Davao Region; na mas mababa sa itinalagang presyo ng gobyerno na P17 kada kilo ang bentahan ng palay.

Ang buying price ng NFA ay P17/kg ng malinis at pinatuyong palay at dagdag na P0.20/kg sa drying incentive at P0.20–P0.50/kg sa delivery incentive.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sa farmers organizations (FOs), may dagdag na P0.30/kg bilang cooperative development incentive fee (CDIF), at binibili ng NFA ang mga palay sa P17.70 hangang P18/kg.

Sa pagbebenta ng palay sa NFA, kailangan ang passbook na magpapatunay na lehitimong magsasaka ang nagbebenta. Para makakuha nito, kailangan magsumite ng farmer’s information sheet na may identification picture, certification mula sa Barangay Captain, Municipal Agriculturist, Municipal Agrarian Officer o National Irrigation Administration kung saan matatagpuan ang kanilang palayan. (Jun Fabon)