CAPAS, Tarlac – Anim na katao ang nasugatan sa aksidenteng salpukan ng isang pampasaherong jeepney at isang Isuzu forward truck sa Manila North Road sa Barangay Estrada, Capas, Tarlac, nitong Huwebes ng umaga.

Ayon sa pulisya, nasugatan sina Fernando Sibal, 45, driver ng jeep (CWA-291); Jeffrey Arceo, 35; Jefferson Arceo, 5, ng Bgy. Capehan, Tarlac City; Danzel Mananquil, 14, ng Bgy. Armenia; Jomel Lanuza, 15, ng Bgy. Sapang Tagalog; at Rebecca Maliwat, 57, ng Bgy. San Rafael, Tarlac City.

Ang nakabanggaang truck (CXU-941) ay minamaneho ni Alvin Arciaga, 40, may asawa, ng Bgy. Pinasling, Gerona, Tarlac.

(Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog