TUNAY na sa bawat naisin, kailangan ang pagsisikap at sakripisyo para makamit ang hinahangad.

Buhay na patotoo ang San Miguel Beermen na dumaan sa samu’t saring pagsubok, ngunit nagpakatatag at naniwala sa kakayahan ng bawat isa para muling tanghaling kampeon sa OPPO-PBA Philippine Cup.

“You don’t win three championships in a row without sacrifice and this team is all about sacrifice, “ pahayag ni SMB guard Chris Ross sa media conference matapos tanghaling Finals MVP nitong Linggo sa Araneta Coliseum.

Naiposte ng 31-anyos na si Ross ang averaged 12.7 puntos, 5.2 rebound, 9.2 assists at 1.8 steal sa best-of-seven championhip series na natapos sa Game Five,4-1.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ilan sa mga sakripisyong binanggit nya ang adjustments na ginawa nang mga kasangga, partikular sa mga starter na sinikap gawin ang lahat para masiguro ang tagumpay.

“It’s a total team effort,” pahayag ni Ross.

“It all started from Junemar We all benefited from his greatness. It all trickles down, Arwind, the former MVP gave way, Marcio spaces the floor for us,Alex makes plays. Everybody even those in the bench, they contributed and help a lot,” aniya.

Hindi rin nakalimutan ni Ross na pasalamatan ang kanyang teammate at coaching staff sa ibinigay na suporta.

Katunayan, hindi niya sinolo ang kredito sa pamumuno. sa kanilang panalo at sa halip ay ibinahagi ang tagumpay sa mga kapwa niya starters na aniya’y karapat-dapat din sa award dahil sa ginawa rin nilang matinding sakripisyo.

(Marivic Awitan)