Inayudahan ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang may 153 manggagawa sa Sultan Kudarat na nawalan ng trabaho dahil sa El Niño, sa pagbibigay ng tulong-pangkabuhayan na aabot sa P1.1 milyon.

Hinimok ni DoLE-Region 12-Sultan Kudarat Field Office Head Arlene R. Bisnon ang mga manggagawang-benepisyaryo sa munisipalidad ng Senator Ninoy Aquino na paunlarin ang kanilang proyektong pangkabuhayan.

Naglaan din ang DoLE-Region 12 ng kabuuang P1,395,500 sa munisipalidad para sa iba’t ibang programa sa ilalim ng DILEEP (DoLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program) Kabuhayan Program at Special Program for Employment of Students para sa mga nasa kolehiyo. (Mina Navarro)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito