INAASAHAN na mas dadami ang mga oportunidad ng pagkakakitaan para sa mga nag-aalaga ng hayop sa Negros Occidental, dahil nalalapit na ang siyam na araw na Livestock and Dairy Fair na idaraos bilang bahagi ng Panaad sa Negros Festival.

Ang tema ngayong taon ay “Producing Livestock, Providing Livelihood and Improving Lives.”

Gaganapin ang fair sa Abril 22-30 sa Panaad Park sa Barangay Mansilingan sa Bacolod City.

Nagsisimula na ang mga preparasyon ng Provincial Veterinary Office, sa pangunguna ni Dr. Renante Decena, kasama ang mga miyembro ng Negros Association of Animal Feed and Drug Suppliers (NAAFDS), na katuwang ng pamahalaang panglalawigan para maisagawa ang aktibidad.

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: May ‘purpose’ na itinakda ang Diyos sa buhay mo

Inihayag ni Alpha Grace Tupas, Project Development Officer I ng Provincial Veterinary Office, sa isang ulat nitong Biyernes na bukod sa paglalaan ng mas maraming oportunidad sa pagkakakitaan para sa mga nag-aalaga ng hayop, makatutulong din ang inisyatibo para mabigyan ang mga ito ng sapat na kaalaman at kakayahan sa tulong ng mga seminar at training.

Kabilang dito ang mga talakayan sa value adding, meat processing, at poultry production, partikular ang free-range chicken at broiler.

Sa tulong ng mga ganitong seminar at training, maaaring maging mga negosyante ang mga nag-aalaga ng hayop para mapabuti pa ang kanilang kabuhayan.

Sinabi ni Tupas na ipakikilala ngayong taon ang umuusbong na sektor ng pag-aalaga ng tupa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng processing seminar at cooking competition.

“We are working on making the upcoming livestock and dairy fair more successful by covering and boosting more local raisers,” aniya.

“The annual fair has been one of the strong measures of the provincial government to further promote its growing livestock and poultry industry,” dagdag ni Tupas. (PNA)