maja copy

KAHIT hindi pa lumalabas ang karakter ni Maja Salvador, agad nang tinutukan ng mga manonood ang pagsisimula ng kanyang kuwento bilang Lily sa Wildflower, ang pinakabagong primetime serye ng ABS-CBN.

Base sa viewership survey data ng Kantar Media, pumalo ito sa national TV rating na 20.1% kumpara sa kalabang programa na nagtala ng 14.7%.

Top trending topic din ito sa online world, dahil nag-number one ang official hashtag ng show na #WildflowerBlossoms.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Nasaksihan ng sambayanan ang masayang pamilya ni Lily (Xyriel Manabat) at ang pagsisimula niya ng bagong buhay sa Poblacion Ardiente kasama ang magulang na sina Camia (Sunshine Cruz) at Dante (Christian Vasquez).

Nasilayan na rin ang makapangyarihang pamilya Ardiente na kinabibilangan ng itinuturing na ama ng Poblacion Ardiente na si Julio (Tirso Cruz III), mayora na si Emilia (Aiko Melendez), asawa nitong si Raul (Wendell Ramos), panganay na anak na si Arnaldo, at bunsong si Diego, na unang naging kaibigan ni Lily.

Paano mababago ng mga Ardiente ang matiwasay na buhay ng mga Cruz? Paano sila papaikutin sa kamay ng mga ito?

Ang Wildflower ay mula sa direksiyon nina Onat Diaz, Cathy Camarillo, at Raymond Ocampo at sa production unit na pinamumunuan ni Ruel Bayani.

Napapanood ang Wildflower simula Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (Skycable ch 167).