BALIK sa wala ang bentahe. Unahan sa pedestal.

Sa ganitong sitwasyon nauwi ang semifinal series ng defending champion San Miguel Beer at Talk ‘N Text sa pagpalo ng Game Five ng best-of-seven series ngayon sa OPPO-PBA Philippine Cup sa Smart-Araneta Coliseum.

Matapos makauna sa serye, naiwan ang Beermen nang magtala ng dalawang dikit na panalo ang Texters sa Games 2 at 3 bago sila nakatabla sa pamamagitan ng 92-86 na tagumpay nitong Martes.

Nagtala ng 31 puntos si Chris Ross upang pangunahan ang apat pang Beermen sa pagposte ng pinagsamang 80 puntos na naging susi ng panalo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Gayunman, hindi itinago ni SMB coach Leo Austria ang pag-aalala sa Katropa na aniya’y madaling makagawa ng pagbabago sa sitwasyon kinakaharap.

“This is a game of adjustment,” ani Austria.”Ang laki ng respeto ko sa TNT, takot ako sa kanila.Credit to coach Nash (Racela),hinahanap niya talaga ang weakness namin,” pahayag ni Austria. (Marivic Awitan)