MICHELLE MARQUEZ DEE copy

MUKHANG magiging star-studded ang Binibining Pilipinas 2017.

Kabilang sa posibleng kandidata ngayong taon sina Mariel de Leon, anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong; Teresita Winwyn Marquez, anak nina Alma Moreno at Joey Marquez; at Michelle Marquez Dee, anak ni dating Miss International Melanie Marquez.

Kung mapipili bilang opisyal na mga kandidata, ito ang pangalawang pagkakataon para kina Mariel at Winwyn na mapabilang sa prestihiyosong national pageant. Unang lumaban si Mariel noong 2013, at sumali naman si Marquez noong 2015.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Maaari ring makapasok si Rachel Peters, 4th Princess sa Miss World Philippines 2014 at girlfriend ni Camarines Sur Governor Migz Villafuerte; at Filipino-Australian model na si Chanel Olive Thomas, Miss Philippines Air 2015 at dating girlfriend ni Jake Cuenca, ayon kay Norman Tinio ng normannorman.com, kilalang pageant website sa buong mundo.

“This is going to be a year of reinforced repeaters and strong crossovers. To say that Bb. Pilipinas 2017 is going to be a real battle of beauty and smarts would be an understatement,” ani Tinio.

Ang iba pang mga pangalan na lumutang na posibleng maging kandidata ay sina Sirene Sutton, 1st runner up, Ms Global Philippines 2014; Jehza Huelasr, 1st runner up ng Bb. Pilipinas 2016; Arienne Calingo, 1st Princess ng Miss World Philippines 2016; at Katarina Rodriguez, Top 3 finisher sa Asia’s Next Top Model.

Napaulat ding may intensyon sumali sina Miss Earth 2012 Stephanie Stefanowitz at Bb. Pilipinas 2013 semifinalist Charmaine Elima ngayong taon.

“To win one of the titles this year would be a glorious achievement because we are riding on the wave of pageant powerhouse popularity,” dagdag ni Tinio.

Sina Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach, Miss International 2016 Kylie Verzosa at Miss Grand International 1st runner-up Nicole Cordoves ang ilan sa mga kasalukuyang Binibini na nakasungkit ng tagumpay sa ibang bansa. Nakapasok naman si Maxine Medina sa Top 6 ng 65th Miss Universe pageant na ginanap sa Manila noong Enero 30.

Sa Pebrero 24, 2017, 6:00 PM ang deadline sa pagpasa ng form sa BPCI Office, Red Gate, Smart Araneta Center sa Cubao, Quezon City.

Paglalabanan ng mga kandidata ang mga titulong Bb. Pilipinas Universe, Bb. Pilipinas International, Bb. Pilipinas Intercontinental, Bb. Pilipinas Supranational, Bb. Pilipinas Grand International at Bb. Pilipinas Globe.

(ROBERT R. REQUINTINA)