CAPAS, Tarlac - Dahil sa closed-circuit television (CCTV) camera ay nahubaran ng maskara ang anim na nag-shoplift sa isang supermarket sa Manila North Road sa Barangay Sto. Domingo 1st, Capas, Tarlac, at tinutugis na sila ngayon ng awtoridad.

Ayon sa report, pinaniniwalaang mga miyembro ng Salisi Gang ang tatlong babae at tatlong lalaking suspek sa pagtangay sa dalawang Canon camera na nagkakahalaga ng P28,000, at iba pang gamit.

Napag-alaman kay Jenalyn Dumayas, 26, may asawa, assistant manager ng Red Camia Supermarket, na nangyari ang pagnanakaw pasado 1:00 ng hapon nitong Biyernes. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog