Gawa hindi salita, ang magsasalba sa kasaysayan ng RMSC – Eric Buhain.
MAY kirot sa puso ng mga tinaguriang ‘legend’ sa Philippine Sports ang isyung pagbebenta at pagpapagiba ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.
Pagka-awa sa mga atletang kasalukuyang nagsasanay at naninirahan sa RMSC, gayundin ang panghihinayang sa kasaysayang naiukit at nailimbag sa kamalayan ng sambayanan ang naghahari ngayon sa mga dating atleta, higit ang mga Olympians.
Ang masayang reunion ng mga miyembro ng Philippine Olympians Association (POA) kamakailan ay nahaluan ng kalungkutan matapos maging sentro ng usapan ang napipintong pagguho ng mga pangarap at tagumpay na nabuo sa bawat sulok ng RMSC.
Sa kanyang Facebook post, hindi naiwasan ni SEA Games swimming record-holder at two-time Olympian na si Eric Buhain ang magpahayag ng kanyang saloobin hingil sa isyu.
Tulad ng iba, nagsimula at yumabong ang career ni Eric Buhain sa RMSC kung kaya’t ang bantang pagkawala nito para bigyan daan ang modernisasyon ay nagbigay sa kanya ng alalahanina at pagkabagabag.
“I wasn’t able to sleep well last night.
“I guess it might have been the adrenalin rush from seeing all the generations of Olympians from yesterday’s Philippine Olympians Association. Or the sadness of hearing that the RMSC may no longer exist.
“When Mr. Paeng Hechanova spoke on the podium regarding the issue that the Rizal Memorial Sports Complex may be demolished because a commercial developer wants to purchase it from the City of Manila, I felt sad to be honest.
“I started walking those corridors and swam in that pool when I was only 9 years old. 37 years ago! I dreamt of competing in front of my countrymen in international competition for so long that in 1991 I got that chance. I prepared 1 year before the SEA Games by remembering those corridors and that pool and walking in it, then swimming, then winning, then hearing our National anthem on the podium. And it call came true. 6 Golds. What a week that was I shall never forget,”pagbabalik-gunita ni Buhain sa matagumpay na kampanya noong 1991 SEA Games.
Ayon kay Buhain, nagkakaisa ang POA kasama si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman ‘Butch’ Ramirez , para pakiusapan ang mga kinauukulan, kabilang na ang Pangulong Duterte.
Napabalitang, inialok ng pamahalaang lungsod ang RMSC sa grupo ng mga developer na kinabibilangan ng negosyanteng si Ricky Razon.
Ngunit, ayon kay Ramirez hindi lamang protesta o sulat ang kailangan upang mapigilan ang pagkalugmok ng kasaysayan.
“I hear you, and i hear the call to preserve History, but has anyone actually done anything to show the love and respect for the History in RMSC?” pahayag ni Ramirez, ayon kay Buhain.
Iginiit ni Buhain na mistulang palaso na bumaon sa kanyang puso ang katagang iniwan ni Ramirez. At bilang dati ring PSC Chairman, tunay na napapanahon ang pagkakaisa at pagkilos na may kaakibat na pagpupunyagi para manatiling naglalagablab ang diwa ng kasaysayan sa bawat sulok ng RSMC.
“That struck me very hard.
“I know I have shown much love and respect for the sport of swimming. Ang dami kong tinuruan lumangoy. Ang dami kong inspirational speeches na ginawa to encourage swimmers and so forth and so on. But have i actually shown any love to RMSC? That’s the question in my head and my heart right now.
“What can I do to show that love and respect the RMSC deserves?
“On another table my with boxer friends Arlo Chavez and Harry Tanamor, tinanong ko din sila kung ano nga ba nagawa namin sa RMSC or sa Boxing gym nila para naman magpasalamat. Kelan ba tayo huling pumunta doon?
‘Pinuyat mo ako Pareng Butch!
“Pare ko, salamat sa paalala sa amin lahat na Olympians kung gaano kalaki sa buhay namin ang RMSC.
“Dadalawin ko ang RMSC bago pa man mangyari. Maybe a visit could help me find some idea on what I can share to RMSC to show how much those corridors and that pool has meant to me,” pahayag ni Buhain.
(Editor’s note: Kasama si Eric Buhain sa matagumpay na ‘athletes march’ sa Malacang noong 1993 para tuldukan ang kaapihan ng mga atleta at hilingin ang pagbabago sa pamunuan ng PSC.) (Edwin Rollon)