MAGSISILBING punong-abala ang Pilipinas sa Imagine Cup Asia Pacific Regional Finals sa Abril, at hinihimok ng Microsoft Philippines ang mga estudyante sa teknolohiya na lumahok dito.

Ang Imagine Cup, isang taunang kumpetisyong pangteknolohiya sa mundo, ay inorganisa ng Microsoft. Layunin nito na bigyang oportunidad ang mga batang developer sa daigdig na magkaroon ng kakayahang teknikal at pangkabuhayan na kakailanganin ng mga ito matapos silang makapag-aral.

Sa ika-15 taon nito, may naghihintay na US$100,000 sa tatanghaling kampeon.

Noong 2010, nanalo ang Pilipinong grupo na tinatawag na By Implication sa Imagine Cup World Finals na ginanap sa Warsaw, Poland.

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: May ‘purpose’ na itinakda ang Diyos sa buhay mo

Tinalo ang daan-daang kalahok sa game design competition, nagdisenyo ang grupo ng “Wildfire” na nagpapakita ng social action at volunteerism, na nagsilbing inspirasyon nila ang bagyong ‘Ondoy’.

Ang grupo, na binubuo ng mga estudyante mula sa Ateneo de Manila University, ay nanalo ng US$25, 000.

Binigyang-diin ng Micrsoft na para sa taong ito, nagkaroon ng mga pagbabago sa criteria ng kompetisyon at ginawa itong higit na nakasalalay sa teknolohiya.

Mas bibigyang-pansin ng Imagine Cup 2017 ang bawat proyektong may malalim na technology integration sa app, services, at games na may potensiyal na maitampok sa merkado.

Ang mga kalahok ay aatasang gumawa ang ng orihinal na proyektong teknolohikal. Tampok sa proyekto ang pagdedebate, pagpaplano, at ang aktuwal na pagbuo ng produkto.

Noong mga nakaraang taon, mayroong mga kategorya ang kompetisyon, tulad ng Games, Innovation at World Citizenship.

Para sa taong ito, tinanggal ang lahat ng kategoryang ito, na magbibigay-daan para makapasok ang mas maraming ideya sa kumpetisyon.

Gayunman, ang tanging kailangan lamang ng kalahok ay ang maipasok ang Microsoft Azure (isang open, enterprise-grade cloud computing platform) sa kanilang solusyon.

Labing-isang bansa ang magpapadala ng kanilang national champion, ayon sa Microsoft. Ang mga mananalo sa Asia Pacific finals ay lalaban sa Imagine World Cup finals.

Para sumali, bilang estudyante, o grupo na binubuo ng tatlo, dapat magparehistro at kumpletuhin ang application form. Makikita ang registration at application forms sa http://compete.imagine.microsoft.com and http://aka.ms/ICPH17Applications.

Dapat isumite ang aplikasyon bago o sa mismong Pebrero 4. (PNA)