TARLAC CITY - Isang binata na sinasabing sangkot sa robbery- hold up at ilegal na droga ang itinumba ng riding-in-tandem criminals sa Sitio Centro, Barangay Tibag, Tarlac City, nitong Martes ng gabi.

Pinagbabaril at kaagad na namatay si Rustan Tan, 24, ng Block 3, Bgy. San Nicolas, Tarlac City.

Nabatid na si Tan ay naaresto noong 2015 sa bisa ng dalawang arrest warrant sa mga kasong robbery hold-up at most wanted sa Oplan Lambat Sibat sa siyudad.

Una nang nakapagpiyansa si Tan sa isang kasong may kinalaman sa droga. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog