TARLAC CITY – Nagpaalala ang mga awtoridad sa mga nagmamay-ari ng sasakyan na bago magbiyahe ay i-check muna ang makina, lalo na ang electrical wiring, upang makaiwas sa aksidente, matapos na isang kotse ang biglang lumiyab habang binabaybaya ang highway ng Barangay Baras-Baras sa Tarlac City, noong Sabado ng gabi.

Batay sa report na isinumite sa tanggapan ni Tarlac City Police chief, Supt. Bayani Razalan, nasunog ang dilaw na Toyota Corolla (PRE-375) na minamaneho ni Stephen Tracy Tabamo, 26, teacher sa Baras-Baras National High School at taga-Bgy. Care, Tarlac City. (Leandro Alborote)
Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito