Enero 9, 1768 nang itanghal ng dating cavalry sergeant major Philip Astley ang unang modernong circus sa London.
Matapos madiskubre na pinayagan siya ng centrifugal force na itanghal ang kahanga-hangang gawa sa likod ng kabayo kapag kumabig siya sa isang maliit na bilog, inimbitahan ni Astley ang publiko upang makita siya sa pagwagayway ng kanyang espada sa hangin habang nakasakay siya sa pamamagitan ng pagpatong ng isang paa sa apakan habang ang isa nama’y sa ulo ng kabayo.
Naging patok ang nasabing performance at hindi nagtagal ay kumuha si Astley ng iba pang equestrian, at musikero, at isang clown upang makumpleto ang grupo.