GINUGUNITA ng Iglesia Ni Cristo (INC) ngayong araw ang ika-92 anibersaryo ng kapanganakan ng kanilang dating Tagapangasiwang Ministro na si Eraño G. Manalo. Nakamit ni “Ka Erdy,” madalas na tawag sa kanya, ang liderato ng INC noong Abril 23, 1963, 11 araw makaraang pumanaw ang kanyang ama na si Bro. Felix Y. Manalo, na nagtatag ng INC.

Pinangunahan ni Ka Erdy ang simbahan sa loob ng 46 na taon. Sa panahon na ito, lumawak at dumami ang miyembro nito sa Pilipinas at sa anim na kontinente ng mundo.

Sa ilalim ng kanyang pamamahala, lumaki ang INC at naging isa sa pinakamalalaking relihiyong denominasyon sa bansa. Ngayon, mayroon itong milyun-milyong miyembro sa 97 Philippine ecclesiastical district at 21 worship congregation sa 102 bansa. Idineklara ng Republic Act 9645 ang Hulyo 27 ng bawat taon bilang “Iglesia ni Cristo Day” para kilalanin ang “exemplary feat of INC in leading its members towards spiritual enlightenment and good citizenry.” Itinatag sa Punta, Sta. Ana, opisyal na inirehistro ang INC bilang Kristiyanong Simbahan noong Hulyo 27, 1914.

Itinayo noong panahon ni Ka Erdy ang mga simbahan ng INC kabilang ang main complex sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, na binubuo ng 7,000-seat na Templo Central, Multipurpose Tabernacle, at New Era University. Siya ang nagsimula ng pagpapatayo ng 55,000-seat Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan, ang pinakamalaking domed arena sa buong mundo, na tinapos ng kanyang kapalit na si Executive Minister Bro. Eduardo V. Manalo, ang panganay niyang anak, noong Hulyo 27, 2014, tamang-tama para sa selebrasyon ng sentenaryo ng INC.

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: May ‘purpose’ na itinakda ang Diyos sa buhay mo

Sinimulan ni Ka Erdy ang mga reporma para mas mapalapit ang INC at makatugon sa mga pangangailangan ng mahihirap at mga nasa marginalized sector. Itinatag niya ang model resettlement farms, na una sa Maligaya Farm sa Palayan City, Nueva Ecija noong 1965, na ginawa rin sa Cavite, Laguna, Rizal, at ipa pang mga probinsiya.

Si Ka Erdy ang namuno sa unang worship service ng unang overseas INC mission sa Honolulu, Hawaii noong Hulyo 27, 1968. Kasunod nito, maraming kongregasyon na ang naitatag sa ibang bansa. Sinimulan ng INC ang himpilan nito ng radyo noong 1969, habang ang unang programa nito sa telebisyon ay ipinalabas noong 1983. Ginagamit ng mga INC gospel minister at mga miyembro nito ang kanyang mga libro tungkol sa mahahalagang paniniwala ng simbahan—Mabuting Kawal ni Cristo ang Salita ng Diyos: Ang Tanging Lunas—bilang biblical guide. Isinulat niya ang opisyal na marriage rite ng INC, na unang nagamit sa kasal ng kanyang panganay.

Isinilang matapos ang Araw ng Bagong Taon noong 1925, ang pangalan ni Ka Erdy ay nanggaling sa mga salitang “era” at “nuevo” (new era). Sa murang edad, binasa na niya ang Banal na Bibliya at sinamahan ang kanyang ama sa pagbisita sa mga miyembro at pangunguna sa mga worship service. Siya ay magaling na public speaker at debater. Pinangarap niyang maging abogado ngunit sa halip ay pinili na maglingkod sa simbahan. Itinalaga siyang ministro noong Mayo 10, 1947, siya ang naging pangkalahatang ingat-yaman ng INC at ministro ng Manila district noong 1957. Pumanaw siya noong Agosto 31, 2009.