CONCEPCION, Tarlac - Malubhang nasugatan ang limang katao makaraang magkabanggaan ang isang pampasaherong jeep at isang tricycle sa Concepcion-Capas Road sa Barangay San Juan sa bayang ito, Huwebes ng umaga.

Isinugod sa Concepcion District Hospital sina Raymond Dela Cruz, 30, may asawa, driver ng jeep (IVJ-131), ng Bgy. San Vicente; Magdalena Datu, 58, may asawa, ng Bgy. San Jose; Concepcion; at Josefina Medina, 55, ng Bgy. Manlapig.

Sugatan din ang pasahero ng tricycle na si Angeles Rivera, 52, driver, may asawa; at Genecio Dumo, 50, kapwa ng Bgy. San Juan, Concepcion. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog