Ipagdiriwang ng inoorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) na Laro’t-Saya sa Parke, PLAY ‘N LEARN ang kaarawan ng pambansang bayani na si Jose Rizal sa pagsasagawa ng espesyal na aktibidad na family-oriented at community grassroots sports development program sa Disyembre 30.
Ito ang sinabi ni PSC Research and Development chief Dr. Lauro Domingo Jr. matapos isagawa ang matagumpay na Walk A Mile with the Senior Citizens sa kinikilalang lugar bilang 8th Wonder of the World sa Vigan City, Ilocos Sur noong Disyembre 22 at sa Dagupan City, Pangasinan noong Disyembre 23.
“Marami kasi ang nagrerequest sa ating FB Page at saka tumatawag sa opisina na ituloy ang programa so we will hold one more day for them bago matapos ang taon,” sabi ni Domingo.
Nagpasalamat din ang bumubuo sa PSC LSP (Laro’t Saya sa Parke) sa pamumuno ni project manager Dr. Lauro ‘Larry’ Domingo, Jr. sa lahat ng mga dumadalo sa pampamilyang programa sa buong bansa kasama ang mga tauhan na sina Laro’t Saya sa Luneta Julia Llanto na coordinator/monitoring chief, Norberto ‘Boy’ Dinglasan na games management, Belinda David at Esperanza Mauricio sa registration, Rafael Eder na equipment management, Olive Caballero at Ricky Eucogal sa monitoring of well-being participants, Aldrin Tiamson, Allan Flores, Dante Villarba, Rafael Catan at Daniel Gelarpez sa crowd control/equipment handlers, Eddie Montalban sa sound system at Arnel Agdinaoay na all-around driver.
Ang LSQCC (Laro’T sa Quezon City Circle) coordinator/monitoring head ay si Christine Leongson, cashier si Violeta Rosete-Tuazon,equipment management si Warren Gabriel, first aid/monitoring of well-being participants sina Jay-Ann Hidalgo at Anna Gordovez, monitoring of well-being participants si Charie Paredes, documentation si Ledda Rosete, crowd control/equipment handlers sina Jun Cordero, Ramil Concepcion at Mark Bolabos, sound system handler/equipment transporter si Lymuel Sequia, at driver si Raffy Catan.
Maging sa LSSJ (Laro’t Saya sa San Juan), coordinator/monitoring leader si Jean Bulda-Dinglasan, registration si Emy Samson, equipment management si Ferdie Ranada, moniroring of well-being participants sina Beth Cunanan at Sandra Arreza, crowd control/equipment transporters sina Elmer Arreza, Mark Bulafos, Eric Palanca, Mamerto Madali at Thomas Samson, at driver si Mauricio ‘Jun’ Algodon, Jr. (Angie Oredo)