NEW YORK (Reuters) – Nakadebelop ang mga mananaliksik sa Indiana University ng isang bagong instrumento na nagpapakita kung paano kumakalat ang mga pekeng balita at hindi naberipikang mga istorya sa social media.
Ang search engine, tinawag na Hoaxy, ay ang huling pagsisikap na malabanan ang paglaganap ng mga pekeng balita.
“It is a very serious problem,” sabi ni Filippo Menczer, director ng Center for Complex Networks and Systems Research ng unibersidad, na naglunsad ng Hoaxy.
Hindi direktang tinutukoy ng Hoaxy kung tunay ang balita ngunit ipinakikita nito kung paano ito ikinakalat sa online at itinuturo ang mga kaugnay para sa fact-checking.
Ang libreng website, hoaxy.iuni.iu.edu, ay maaaring gamitin ng mga reporter, researcher at ng publiko. Kapag may duda ang user na peke ang istorya, maaari nila itong hanapin sa website upang makita kung paano ito ikinalat at gaano ito ka-viral.
Sinisiyasat nito ang mga website, tinitipon ang news organizations at inaalaam kung totoo ang nilalaman ng mga site, na kilalang nagpapaskil ng satire, panlilinlang o conspiracy theories. Sinusundan din nito ang links sa mga istorya sa Twitter at Facebook upang makita ng users kung gaano kadalas ibinabahagi ang istorya.
“You can observe who are the hubs, who are the main spreaders and most influential who have spread these claims and fact-checks,” sabi ni Menczer.