MARAMI ang umaayon, partikular na ang mga netizen, na naging isang malaking katatawanan para sa sambayanang Pilipino ang palusot ng dalawang opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na hindi raw suhol ang milyones na hawak nila, bagkus ito raw ay ibidensiya nila sa kasong panunuhol na ihahain umano sana nila laban sa gambling operator na si Jack Lam, ngunit nabaligtad daw ang pangyayari.

Ang nagpatindi pa sa tawanang may himig panlilibak ay ang pagsasauli nina deputy commissioner Mike Robles at Al Argosino ng P30milyon sa kanilang boss na si Justice Secretary Vitaliano Aguirre nang iharap silang dalawa sa isang press conference—kasabay nang pag-aming tinanggap nila ang milyones para gamiting ebidensiya laban kay Lam na noo’y iniimbestigahan din ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso nitong illegal gambling operations sa Clark Freeport, Pampanga.

Nakakaaliw ang mga komento ng mga pulis sa ilang presintong aking napasyalan para mapulsuhan ang isyung ito. Sabi ng isang medyo bagito pang imbestigador – “Bopols pareho sila. Milyones na ang hawak inilabas pa. Eh, ‘di mas lalong nagkaroon tuloy ng matinding ebidensiya laban sa kanila.”

Sabi naman ng isang medyo matagal na sa serbisyo bilang imbestigador – “Mababaw at ‘di kapani-paniwala ang palusot nila kasi maraming panuntunan na nilaktawan sila, mga hindi nila sinunod, kung totoong may operasyon sila para masakote si Lam.”

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Gaya raw ng pagsusulat ng “short notes” hinggil sa ginawa nilang operasyon, mga gagawin pa nila, kasama rito siyempre ang petsa at oras nang pagkakasulat para magsilbing karagdagang impormasyon at ebidensiya kapag natapos na ang kanilang operasyon. Wala raw maipakita kahit isang dokumento hinggil sa plano nila ang dalawang opisyales ng BI kaya siguradong nagpapalusot lang ang mga ito.

May ilan namang nakasentro lamang ang kanilang komento sa pagsasauli ng dalawang BI executive sa P30 milyon gayung ang sinasabing ibinigay sa kanila ay P50 milyon– magsasauli rin lang daw, kulang pa. Sana’y itinago na lang nilang lahat at itinanggi ang bintang sa kanila.

Ang pinakapaborito ko sa lahat ng komento ay sigurado raw na galit na galit si Pangulong Digong sa dalawa opisyal nang malaman ang pangyayari kaya sinabihang—... “Itutumba ko kayong pareho kapag hindi ninyo inilabas ang P50 milyon na isinuhol sa inyo”— kaya tuloy sa laki ng takot daw ng dalawang opisyal, kahit nabawasan na ang pera ay agad nilang inilabas ang natitira pang P30 milyon para hindi sila mapatay at masama sa mga tinatakpang diyaryo sa kalsada at bangketa. Alam nilang ‘di sila bibiruin at sasantuhin ni DU30!

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936-9953459 o mag-email sa: [email protected] (Dave M. Veridiano, E.E.)