BUMALIK na sa social media si Ed Sheeran pagkaraan ng halos isang taong social media hiatus.
Naging misteryoso ang post ni Sheeran nitong Martes nang i-post niya ang larawan na blangkong light blue na walang caption sa lahat ng kanyang social network pages.
Nag-trending sa Twitter ang #EdSheeranIsBack, pati ang kanyang ipinost na misteryosong larawan, na nagpasimula ng mga haka-haka na tungkol sa bagong album ang naturang post.
Inihayag ng songwriter na si Amy Wadge, kasama ni Sheeran na sumulat ng Thinking Out Loud, sa BBC na lalabas na ang album ng singer “really soon”, ngunit hindi na ito nagbigay ng iba pang detalye.
Noong nakaraang taon, inihayag ng Grammy winner ang pag-iwas sa social media.
“I’ve had such an amazing ride over the last 5 years but I find myself seeing the world through a screen and not my eyes so I’m taking this opportunity of me not having to be anywhere or do anything to travel the world and see everything I missed,” saad ng singer sa kanyang dating Instagram post. (MB Entertainment)
