Mga Laro sa Lunes
(San Juan Arena)
9 n.u. -- Perpetual Help vs Mapua (m)
10:30 n.u. -- Perpetual Help vs Mapua (w)
12 n.t. -- San Beda vs JRU (w)
1:30 n.h. San Beda vs JRU (m)
Nasolo ng San Sebastian College ang pamumuno sa women’s division matapos gapiin ang dating co- leader San Beda College, 25-16, 25-13, 25-16, kahapon sa NCAA Season 92 volleyball tournament sa San Juan Arena.
Nagposte si reigning MVP Grethcel Soltones upang pamunuan ang Lady Stags sa ikaapat na sunod na panalo.
Sa pagkakataong ito, kuntento si coach Roger Gorayeb sa kampanya ng Lady Stags.
“Gusto naming mag-champion. Ang goal namin mag-Finals ulit. Para maging ganun, kailangan kami, isa’t isa ganun ang objective. Dapat pagsikapan namin at ‘yun ang nakita ko sa kanila ngayon,” pahayag ni Gorayeb.
Nagamit ng husto, ayon kay Gorayeb, ang kanilang bentahe sa iba pang koponan sa liga, ang pagkakaroon ng isang powerful hitter sa katauhan ni Soltones at ang karanasang nakuha sa exposure sa ibang mga liga.
Dahil sa kabiguan, bumagsak ang Red Lionesses sa 3-1.
Nauna rito, nagwagi kapwa ang juniors at men’s squad ng San Beda kontra San Sebastian.
Tinalo ng Red Cubs ang Staglets (0-3) upang makapasok sa win column matapos and unang kabiguan sa juniors division, 19-25, 25-20, 25-18, 25-23.
Nakamit naman ng Red Lions ang ikatlong panalo sa apat na laro sa seniors division matapos walisin ang Stags (1-3), 25-13, 25-23. 25-17. (Marivic Awitan)