Isasapinal na ng government (GRP) peace negotiating panel ang sariling draft nito ng ceasefire agreement sa susunod na linggo sa pag-asang malagdaan ang bilateral document kasama ang National Democratic Front (NDFP) bago mag-Pasko.

Sinabi ni GRP peace negotiating panel member Angela Librado-Trinidad sa panayam ng mga mamamahayag nitong Lunes na abala na ngayon ang mga miyembro ng panel sa pagbibigay ng kahulugan sa kung ano ang maituturing na “hostile acts”, isang mahalagang probisyon na maglilinaw sa mga bayolenteng gawain sa bilateral agreement.

“Actually, ang sabi namin, there are technical issues that have to be worked out, example both parties have their ceasefire declarations. This this will be unified - definitions that will be agreed on, terms we need to agree on. We hope that if these things are ironed out, then we could discuss the bilateral ceasefire,” aniya.

Aniya, magtitipon ang panel members ngayong linggo upang talakayin ang developments na magbubunga sa paglalagda sa common document na inaasahan ng magkabilang panig sa Disyembre 10, ang International Human Rights Day.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“We are positive that things could work out well. It December 10 or a few days later, a bilateral ceasefire agreement could be signed,” dagdag niya.

Idinagdag niya na umiikot din ang GRP panel members sa buong bansa upang kunin ang pananaw ng ilang mga sektor sa kung ano ang maituturing na “hostile acts” upang matiyak na ang mga pakahulugang ito ay sumasalamin sa interes ng stakeholders.

Inaayos na rin nila ang pagpapalaya sa 434 political prisoners bago magtapos ang taon, lalo na ang mga nasa priority list, gaya ng mga may-sakit, senior citizens, at kababaihan.

“We are trying our best although probably the best might not be enough at this point in time. We are exerting all our efforts to make the release happen,” aniya. (ANTONIO L. COLINA IV)