BANGKOK (AP) – Sinimulan na ng parliament ng Thailand ang proseso para itanghal si Crown Prince Vajiralongkorn bilang bagong hari matapos pumanaw ang ama nitong si King Bhumibol Adulyadej noong nakaraang buwan.
Upang makumpleto ang pormalidad, isinumite ng Cabinet ang pangalan ni Vajiralongkorn sa National Assembly nitong Martes matapos ang maikling pagpupulong.
Inanunsyo ni National Assembly president Pornpetch Wichitcholchai na si Vajiralongkorn ay iimbitahang maupo sa kanyang trono. Hindi pa sinabi kung kailan ito mangyayari.