Napanatili ni one-time world title challenger Czar Amonsot ng Pilipinas ang WBA Oceania super lightweight title sa pagpapalasap ng unang talo via 7th round TKO kay WBC Asian Boxing Council Continental lightweight ruler at knockout artist Yutthapol Sudnongbua ng Thailand kamakalawa ng gabi sa The Melbourne Pavilion, Victoria, Australia.

Nagpakiramdaman ang dalawang boksingero sa unang limang round, pagdating ng 6th round ay napabagsak ni Amonsot si Sudnongbua. Dalawang beses pang bumagsak ang Thai sa 7th round kaya itinigil na ni Australian referee Jim Boland ang laban eksaktong 1:37 sa nasabing yugto ng sagupaan.

Nakalistang No. 7 sa WBA si Amonsot na inaasahang aangat sa world ranking at maaari nang hamunin ang kampeong si Ricky Burns ng Great Britain.

Bukod sa WBA Oceania title, hawak din ni Amonsot ang PABA at WBA Pan Africa super lightweight title at huli siyang natalo sa puntos kay Aussie Michael Katsidis noong 2007 sa kanilang laban para sa interim WBA lightweight title sa Las Vegas, Nevada.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Napaganda ni Amonsot ang kanyang karta sa 33-3-3, tampok ang 21 panalo via knockout, samantalang bumagsak si Sudnongbua sa 23 panalo, 16 sa pamamagitan ng knockouts. - Gilbert Espena