ISULAN, Sultan Kudarat – Kinumpirma ng pulisya, Philippine Marines at mga lokal na pamahalaan ng Lebak at Kalamansig sa Sultan Kudarat ang panghaharang ng ilang armadong grupo sa malalaking bangkang pangisda sa Moro Gulf.

Sa pulong kamakailan sa Barangay Tebpuan, Lebak, ipinakita ng pulisya ang video ng pagharang ng ilang armadong sakay sa malaking pump boat sa isa sa mga fishing boat, nagpaputok ng baril para manakot hanggang sa puwersahang kuhanin ang malalaking isda na huli ng mga nasa bangka.

Nabatid din na isang umano’y anak ng nakatalaga sa Shariff Aguak Police sa Maguindanao ang kinasuhan sa pamimirata at usurpation of authority sa paggamit sa pump boat na may logo ng Philippine National Police (PNP).

Kasabay ng pagkumpirma rito ng ilang operator ng bangkang pangisda, todo-tanggi naman ang Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) na may kinalaman sila sa nasabing gawain. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito