IPINAGDIRIWANG ng Suriname ang Independence Day nito tuwing Nobyembre 25 ng bawat taon. Ginugunita sa araw na ito, noong 1975, nang makamit ng bansa ang lubos na kalayaan mula sa The Netherlands. Ang mga pangunahing kaganapan para sa pagdiriwang ng Independence Day ay idinadaos sa Paramibo Presidential Palace, isang enggrandeng colonial era na gusali sa Independece Square. Madalas na nagbibigay ng talumpati ang presidente ng Suriname, na susundan ng parada ng militar sa harap ng palasyo at presidential reception. Sa mga kalsada, nangagsabit ang makukulay na watawat sa mga pampublikong gusali at mga tahanan.
Matatagpuan ang Republic of Suriname sa South America. Nakikibahagi ito ng lupang hangganan sa French Guiana sa silangan, Guyana sa kanluran, at Brazil sa timog. Maganda ang lugar na ito para sa mga manlalakbay, at ipinagmamalaki ng Suriname ang malinis na mga rainforest, magagandang kabundukan, kakaibang mga halaman at hayop, at wild rapid.
Kinilala ang Paramibo, kabisera ng Suriname at pinakamalaking lungsod sa bansa, ng UNESCO World Heritage Site simula 2002. Kilala ito sa mga detalyadong wooden Dutch colonial building na matatagpuan sa sentro nito. Ito ang lugar ng ika-17 siglo na Fort Zeelandia kung saan matatagpuan ang Surinaams Museum.
Tintamasa ng Pilipinas at Suriname ang mabuting ugnayang bilateral. Noong Nobyembre 2015, iprinisinta ng Philippine Ambassador to Brazil na si Jose D. R. Burgos ang kanyang mga credential bilang Philippine non-resident ambassador sa Suriname kay Republic of Suriname President Desire Delano Bouterse. Sa pagpupulong kasama si Ambassador Burgos, nagbigay papuri at kinilala ni President Bouterse ang malalim at matagal nang ugnayan pagitan ng Suriname at Pilipinas, binigyang-diin na may paraan pa rin para mas mapalapit ang bilateral relation sa kabila ng layo ng dalawang bansa. Ibinahagi niya rin ang kontribusyon ng mga Pilipinong nurse at doktor, partikular sa sektor ng medisina ng Suriname. May makabuluhang bilang ng mga overseas Filipino worker (OFW) ang nasa Suriname, madalas ay nagtatrabaho sa mga ospital, mga hotel, palaisdaan, at mga komersyal na establisimyento.
Binabati natin ang mamamayan at gobyerno ng Republic of Suriname, sa pangunguna ni President Desire Delano Bouterse, sa pagdiriwang ng kanilang ika-41 anibersaryo ng Independence Day.