Pinatunayan ng Adamson na nararapat silang ikunsiderang title contender sa UAAP Season 79 juniors basketball tournament.

Matapos silatin ang defending champion National University, isinunod ng Baby Falcons ang isa pang heavyweight sa liga na Ateneo de Manila, 77-65 kahapon sa San Juan Arena.

Nagsalansan si rookie Encho Serrano ng 23 puntos, pitong rebound, at dalawang assist para pamunuan ang ratsada ng Baby Falcons.

Nanatiling malinis ang Baby Falcons sa 4-0 at solong manguna sa team standings.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Patas ang laban sa unang bahagi ng laro kung saan nagtabla ang iskor sa 21-all sa pagtatapos ng first period.

Ngunit, nagawang makasigwa ng Ateneo sa inilatag na 34-14 run simula sa huling minuto ng second period para sa 50-26 na kalamangan sa kalagitnaan ng third quarter.

Samantala, nanatili sa ikalawang puwesto ang FEU- Diliman matapos iposte ang 100-82 panalo kontra University of the East.

Kumubra si Xyrus Torres ng 23 puntos upang giyahan ang Baby Tamaraws sa ikatlo nilang panalo sa loob ng apat na laro habang bumaba naman ang Red Warriors sa kabaligtarang marka gaya ng Ateneo.

Iskor:

(Unang laro)

FEU (100) — Torres 23, Celzo 18, Gonzales 14, Gloria 9, Boc 8, Gabane 7, Sapinit 7, Jabel 4, Roman 4, Ra. Alforque 4, Abarrientos 2, Bieren 0, Ro. Alforque 0, Mariano 0, Baclay 0.

UE (62) — Balundo 23, Vinte 14, Angeles 11, Dulalia 10, Ramos 9, Manaug 6, Gonzales 5, Acuesta 2, Domingo 2, Po 0, Encelan 0, Morelos 0, Cruz 0, Canton 0.

Quarter scores:

29-24; 50-47; 74-70; 100-82.

(Ikalawang laro)

Adamson (77) — Serrano 23, Abadiano 13, Santos 12, Tamayo 9, Flores 4, Padrigao 4, Sabandal 4, Beltran 3, Celis 3, Agbong 2, Antiporda 0, Desoyo 0.

Ateneo (65) — Belangel 14, Ildefonso 13, Manuel 9, Angeles 8, Berjay 8, Credo 7, Laud 3, Flores 2, Santos 1, Afable 0, Deonio 0, Escalona 0, Salazar 0.

Quarters:

21-21; 41-33; 59-44; 77-65. (Marivic Awitan)