ZAMBOANGA CITY – Dalawang sundalo ang napatay habang nasugatan naman ang dalawang iba pa sa isang engkuwentro sa kabundukan ng Dinas sa Zamboanga del Sur, kahapon ng umaga.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom) Spokesman Maj. Filemon Tan, Jr., nagsasagawa ng Bayanihan Team activities ang mga operatiba ng 53rd Infantry Battalion ng Philippine Army, sa ilalim ng Joint Task Force ZamPeLan, nang makasagupa ang mga armado sa Purok 4, Barangay Guinicolalay sa Dinas, dakong 8:28 ng umaga.

Sinabi ni Tan na hindi naman tukoy ang dami ng nasugatan sa panig ng mga armado. (Nonoy E. Lacson)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog